[Joshua Dionisio's long-time loveteam partner is Barbie Forteza. Barbie is now slated to do Tweets For My Sweets but
not with Joshua as a partner. This time, Barbie is paired with Elmo
Magalona. This development seems to have affected Joshua.]
Ang makakatambal ni Barbie ay si Elmo Magalona.
Ayon kay Joshua, “Parang disappointed ako kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam.
“I just hope na may plano sila kaya nila kami pinaghihiwalay—looking at the bright side na lang.
“Actually, wala naman pong sinabi ang network sa akin na paghihiwalayin na kami.
“Narinig ko lang din po sa mga fans.”
FANS’ REACTION. Ang mga fans nila ni Barbie ang apektado dahil sa balitang baka hindi na nga sila mapanood pa sa ibang shows maliban sa Tween Hearts.
Ano ang masasabi niya sa mga ito?
“Hindi ko naman sila pinipigilan sa mga opinyon nila.
“Hindi ko naman sila masisisi kasi matagal din nila kaming sinubaybayan at saka matagal din silang sumusuporta—for three years.
“Kaya natural lang talaga sa kanila ang nararamdaman nila na malungkot sila.
“Pero yun nga, wala akong masabi na matutuwa sila," saad ng teen actor.
NO PARTNER. Kung si Barbie ay mapapanood na kapareha si Elmo, na isa ring Kapuso star, sino naman ang nakikita ni Joshua na puwede ring ipareha sa kanya?
“Parang wala!” natatawa niyang sabi.
“Parang lahat, occupied na. Parang lahat, established na sa mga partners nila.”
May panghihinayang ba siya at tila sobrang attached na rin siya sa loveteam nila ni Barbie?
“Oo naman!" bulalas niya.
"Sobrang nakaka-miss siyempre yung nasanay na ako na palagi kaming magkasama sa set.
“Ngayon, sa Tween Hearts na lang kami magkakasama.
“Although okay lang, kasi puwede pa rin naman kaming lumabas-labas pa rin.
“Masaya rin naman ako dahil kahit na ganoon ang balita, yung mga fans namin, hindi pa rin sila nagpapatalo, talagang stick to one pa rin sila.”
SCHOOLING. Plano ni Joshua na habang wala pa siyang bagong project, magho-home study muna siya.
Fourth year high school na si Joshua.
“Wala pa naman po kasi akong upcoming projects kaya mag-aaral muna ako.
Home study ako at meron silang branch sa Quezon City na puwede kang regular na pumasok anytime.
Ngayong Holy Week naman ay pupunta ang pamilya ni Joshua sa lola niya sa Antipolo na minsan lang nilang madalaw. Courtesy: PEP.ph and GMA Nework
No comments:
Post a Comment