Sunday, April 29, 2012

Barbie Forteza as Adele on Tweets For My Sweet

Excited na ang tween queen na si Barbie Forteza sa upcoming show ng GMA-7 na Tweets For My Sweets.

Ang sitcom na ito ay pinagbibidahan nina Marian Rivera at Chef Boy Logro.

“Sobrang excited po ako kasi finally nangyari na po yung isa sa mga pangarap ko.

“Dream come true po para sa akin ang show na ito kasi makakasama ako sa bagong show ni Ate Marian,” sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kasama rin sa nasabing palabas sina Ms. Nova Villa at Roderick Paulate, at ang ka-loveteam naman ni Barbie dito ay si Elmo Magalona.

“Si Tita Nova, na-miss ko din po, si Tita Nova kasi masarap siyang kasama, masaya, at lagi pong may dalang pagkain.”

Nakasama na noon ni Barbie si Nova sa afternoon soap na Nita Negrita.

ELMO MAGALONA. Aminado naman si Barbie na naninibago siya ngayong si Elmo ang kapareha niya sa naturang TV project at hindi ang regular niyang ka-partner na si Joshua Dionisio.

Ayon kay Barbie, “Medyo may kaba ng konti kasi for the first time, hindi ko po makakasama si Joshua sa isang regular show.

“Hindi ko pa po alam ang story ng Tweets For My Sweets, baka naman po hindi as a loveteam kami ni Elmo.

“Pero kung sakali mang ganun nga, e, susunod lang po ako sa management.

“Alam naman po nila kung ano ang nararapat para sa akin…sa mga artista nila.

“Magkaibigan po kami ni Elmo, time pa po ng Pilyang Kerubin.

“Mabait naman po [siya] at palagi lang tulog!” ang natatawang sinabi pa ni Barbie.
LOOK WHO LEADS THE VOTATION!
It's JOSHBIE! Thanks for the people who voted them:) 

Wednesday, April 11, 2012

JOSHBIE on TWEENHEARTS- 04/08/12 Part 1



JOSHBIE ON SPOOKY NIGHTS this 04/14/12

Ngayong Sabado sa Spooky Nights ng GMA-7 ay itatampok ang tinitiliang tambalan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza o “Josh-Bie” sa episode na pinamagatang Spooky Nights presents Kalansay. Makakasama nina Joshua at Barbie sina Joyce Ching, Renz Valerio, Jace Flores, Jan Marini, Tiya Pusit at Onyok Velasco.

Sa Spooky Nights presents Kalansay, partners-in-crime sa kanilang mga pranks sina Anton (Joshua Dionisio) at Sherwin (Renz Valerio) at lagi nilang nabibiktima ang ate ni Sherwin na si Cheska (Barbie Forteza). Pero makakatagpo ng katapat ang dalawa nang may lumipat na bagong kapitbahay sa isang pinapaupahang kwarto nina Cheska.

Mula nang lumipat ang mga kapitbahay nagsimula ang mga weird na kaganapan sa neighborhood. Nawala ang aso ni Cheska at ang boy nila ay biglang naglaho rin.

Magiimbestiga sina Sherwin at Anton at madidiskubre nila na nagiging mga halimaw na kalansay pala ang kanilang mga bagong kapitbahay.

Walang maniniwala kina Sherwin at Anton dahil laging nagbibiro ang dalawa. Ngayon kailangan nilang kumilos para pigilan ang mga halimaw na kapitbahay bago pa sila maging biktima ng mga ito.

Abangan ang exciting na kwentong ito ngayong Sabado (April 14) sa Spooky Nights presents Kalansay, pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA-7. Courtesy: Kapuso Central

Thursday, April 5, 2012

VOTE JOSHBIE!

VOTATION! Vote JOSHBIE Unlimited! <<What we just need to do is to vote! PLEASE.....

Joshua Dionisio, Cover: Some One Like You of Adele (Acoustic Version)

Please like Team Barbie Forteza's Fanpage!

TEAM BARBIE FORTEZA <-- CLICK this link to go on the Page! Don't worry. BARBIE knows this! THANK YOU!

Barbie Forteza on having a new loveteam partner: "Kahit ayoko, hinahanda ko na ang isip ko na hindi ako mabibigla."

[Barbie Forteza is one of the leading tween stars of GMA-7 and has appeared in several teen shows. Being a teen star, she has also been paired with other male teen stars, notably Joshua Domingo. Both have gained a throng of fans as a loveteam. To keep track of her fans, Barbie maintains a Twitter account.]

Among the cast of the weekly youth-oriented series Tween Hearts, si Barbie Forteza lang ang nagsuot ng two-piece sa summer episode nila na kinunan sa La Virginia Resort sa Mataas Na Kahoy sa Batangas noong isang linggo.
        
Pero nilinaw naman ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kahit naka-two-piece siya, may suot pa rin daw siyang shorts.

Kaya sabi namin sa kanya, wala pala siyang inhibition pagdating sa pagsusuot ng mga sexy swimwear.
        
“Pinaghirapan ko yun, e. Nag-diet ako nang bongga 'tapos itatago ko lang, di ba?” natatawa niyang sabi.

“Pero actually, hindi naman po ako ganoon katagal nag-diet.

“Noong nag-Palawan kami, medyo tumaba po kasi ako ng konti kaya kailangan ko pong mag-diet ulit.”
        
Pero natatawang pag-amin niya rin, diet lang daw talaga ang ginagawa niya dahil tamad siyang mag-exercise.
        
Paanong diet ang ginawa niya?
        
“Kasi po madalas, mahilig akong magkutkot ng mga junk foods. So, yun po ang iniwasan ko.

“'Tapos, more on tubig lang po. Nakakabusog po kasi ang tubig, e.”
        
NEW LOVETEAM. May mga fans naman ng loveteam nina Barbie at Joshua Dionisio, ang JoshBie, ang nagre-react na hindi na ang binata ang kasama niya sa kanyang bagong show, ang Tweets For My Sweets.

Si Elmo Magalona ang kapareha rito ni Barbie.
        
Paano niya mabibigyan ng konsuwelo ang mga tagahanga nila ni Joshua?
        
“Ano po kasi, parang ang hirap nilang paliwanagan lahat.

“Yung iba, kapag sinasabi ko na hindi naman personal, work lang naman, sasabihin nila, ‘Hindi, gusto ko talaga kayo ni Joshua!’

“Alangan naman na makipagkulitan pa 'ko, e, ang dami-dami nila!
        
“So, doon sa mga naniniwala sa akin at patuloy na sumusuporta, maraming salamat… pati yung kay Joshua," sabi ng teen actress.
        
Sa mga hindi nakakaunawa, paano?
        
“Thank you na rin kasi, kahit papaano, naging concern sila na maghihiwalay na kami ni Joshua.”
        
Talagang maghihiwalay na ba sila as loveteam at sa Tween Hearts na lang sila mapapanood? May kumausap na ba sa kanila sa management?
        
“Hindi po, e. Basta na lang po namin nalaman," sabi niya.

Malakas ang loveteam nina Barbie at Joshua at malakas din sa mga fans ang loveteam nina Elmo at Julie Anne San Jose.

Hindi ba siya natatakot na may mga fans din ng dalawa ang magalit?
        
“Siyempre, ang lakas din ng team-up nila. Ewan ko po, nagulat lahat.

“Pati ako, nagulat na lang din ako. Siguro po, makakaraos din," sagot ni Barbie.

PRESSURE. May pressure ba siyang nararamdaman din sa loveteam nila ni Joshua?
        
“Siyempre po, kasama na rin po yun. Pero karamihan naman po, kilala ko na rin po.

“Nagpupunta sa mall show kaya close na rin kami ni Joshua.

“At para sa kanila, doon sa karamihan, nagi-get nila na desisyon ng network.
        
“At nirerespeto ko naman po ang desisyon ng GMA kasi sila naman po talaga yung may alam kung ano ang mas nakakabuti para sa amin.”

On her part, okay na rin ba siya na susubukan naman ang tambalan nila ni Elmo ngayon?
        
“Opo… magkaibigan na rin naman po kami ni Elmo.

“Nagkasama na po kami sa Pilyang Kerubin at saka sa Party Pilipinas, nagkikita po kami.

“At saka, hindi ko naman po sinasara yung isip ko na porke’t si Joshua… siyempre darating din naman ang point na iba na ang partner ko.
        
“Actually, dati pa… kahit ayoko, hinahanda ko na ang isip ko na hindi ako mabibigla.

“Well, nabigla ako, pero hindi ako ganoon kahirap mag-a-adjust kasi handa na ko.”
        
Sila ni Joshua, napag-usapan din ba nila kapag ipinapareha na sila sa iba?

“Wala naman po. Kumbaga, nandoon naman kami na part na ng trabaho yun.

“At saka, kami naman ni Elmo, ang pagkakaalam ko po sa bagong show ni Ate Marian [Rivera], hindi kami as loveteam, magkasama lang kami," paliwanag niya.

SHOW WITH MARIAN. Kung may isang ikinatutuwa man daw si Barbie, ito ay ang makasama niya sa isang show si Marian na mula pa noon ay iniidolo na raw niya.
        
“Sobrang sikat na po ni Ms. Marian 'tapos mapapasama pa po ako.

“First time ko pong nakatrabaho si Ms. Marian.

"Actually, nakasama ko na siya, pero extra pa lang po ako noon, sa Darna po.

“Ako po yung isa sa mga bata sa bahay-ampunan," sabi ni Barbie.
        
Ano naman ang inaasahan niya ngayong makakatrabaho na niya si Marian?
        
“Masaya po. Hindi po sa nagpapaka-plastic, pero idol ko po talaga si Ate Marian, MariMar pa lang.

“Sinusubaybayan ko na po ang DongYan [loveteam] hanggang sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

“Yung Amaya, hindi ko na po masyadong nasubaybayan kasi nga, medyo busy na po.

“Pero, iba po yung loveteam nila kasi nga, hindi pilit. Alam mo ang totoo.

“Ewan ko, nasu-sweet-an ako sa kanila.”

TWITTER. Isa rin si Barbie sa mga masipag mag-post ng status sa kanyang Twitter account. Sa kanya, ano ang nakikita niyang advantage ng paggamit ng naturang online site?
        
“Mas nakikilala po kami ng mga fans, lalo na yung mga nasa ibang bansa. Doon ko nakakausap sa Twitter.

"Ang disadvantage naman po, walang privacy.

“Kumbaga, may mga bagay na gusto kong i-tweet, pero hindi puwede kasi masyado nang public ang Twitter ko," sabi niya.
        
Kapag may mga bashers, ano ang ginagawa niya?
        
“Dedma!” natatawang sabi niya.

“Kasi, kapag may pinatulan ako, magtatampo ang mga fans.

“’Bakit sila nire-replayan mo, ikaw, wala ka nang panahon sa amin?’

“Kapag may sinagot po akong isa, kahit basher man o hindi, nagtatampo ang iba.
        
“Minsan po nire-replayan ko ang iba kaso minsan nagtatampo po. Kasi minsan, sunud-sunod na po, hindi ko na ma-replayan lahat.”
        
May mga below-the-belt na rin bang tweet sa kanya ng iba?
        
“Marami! Natatawa na lang ako kasi pina-follow pa nila ako, e, haters ko sila.

“Parang bakit pa nila ako pina-follow, e, ayaw nila sa akin?

“Bandang huli, parang sila pa yung naasar kasi, hindi ako sumasagot.”

HOLY WEEK. Ngayong Holy Week daw ay sa bahay lang mananatili si Barbie.
        
“Sa condo lang po kami.

"Kung saan-saan naman na po kasi kami nagpunta—Palawan, kung saan-saan pa po.

“So, papahinga muna po ako.
        
“Hindi naman po kasi talaga kami masyadong lumalabas kapag Holy Week, kumbaga, pahinga lang,” panghuli niyang sabi. Courtesy: PEP.ph and GMA Network.

Joshua Dionisio on breakup of loveteam with Barbie Forteza: “Parang disappointed ako kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam."

[Joshua Dionisio's long-time loveteam partner is Barbie Forteza. Barbie is now slated to do Tweets For My Sweets but not with Joshua as a partner. This time, Barbie is paired with Elmo Magalona. This development seems to have affected Joshua.]

SEPARATED. Pero sa kabila nito, hindi naman itinanggi ni Joshua ang disappointment niya na hindi na sila ng ka-loveteam niyang si Barbie Forteza ang magkapareha sa bagong show ng huli sa GMA-7—ang Tweets for My Sweets.



Ang makakatambal ni Barbie ay si Elmo Magalona.
        
Ayon kay Joshua, “Parang disappointed ako kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam.

“I just hope na may plano sila kaya nila kami pinaghihiwalay—looking at the bright side na lang.
        
“Actually, wala naman pong sinabi ang network sa akin na paghihiwalayin na kami.

“Narinig ko lang din po sa mga fans.”
        
FANS’ REACTION. Ang mga fans nila ni Barbie ang apektado dahil sa balitang baka hindi na nga sila mapanood pa sa ibang shows maliban sa Tween Hearts.
        
Ano ang masasabi niya sa mga ito?
        
“Hindi ko naman sila pinipigilan sa mga opinyon nila.

“Hindi ko naman sila masisisi kasi matagal din nila kaming sinubaybayan at saka matagal din silang sumusuporta—for three years.
        
“Kaya natural lang talaga sa kanila ang nararamdaman nila na malungkot sila.

“Pero yun nga, wala akong masabi na matutuwa sila," saad ng teen actor.

NO PARTNER. Kung si Barbie ay mapapanood na kapareha si Elmo, na isa ring Kapuso star, sino naman ang nakikita ni Joshua na puwede ring ipareha sa kanya?
        
“Parang wala!” natatawa niyang sabi.

“Parang lahat, occupied na. Parang lahat, established na sa mga partners nila.”
        
May panghihinayang ba siya at tila sobrang attached na rin siya sa loveteam nila ni Barbie?
        
“Oo naman!" bulalas niya.

"Sobrang nakaka-miss siyempre yung nasanay na ako na palagi kaming magkasama sa set.

“Ngayon, sa Tween Hearts na lang kami magkakasama.

“Although okay lang, kasi puwede pa rin naman kaming lumabas-labas pa rin.

“Masaya rin naman ako dahil kahit na ganoon ang balita, yung mga fans namin, hindi pa rin sila nagpapatalo, talagang stick to one pa rin sila.”
        
SCHOOLING. Plano ni Joshua na habang wala pa siyang bagong project, magho-home study muna siya.

Fourth year high school na si Joshua.

“Wala pa naman po kasi akong upcoming projects kaya mag-aaral muna ako.

Home study ako at meron silang branch sa Quezon City na puwede kang regular na pumasok anytime. 

"Wala kang kaklase... depende lang kung sino ang parang may schedule," sabi niya.
        
Ngayong Holy Week naman ay pupunta ang pamilya ni Joshua sa lola niya sa Antipolo na minsan lang nilang madalaw.   Courtesy: PEP.ph and GMA Nework